800 bagong kaso ng HIV naitala noong Pebrero – DOH

Itinuturing na buwan ng pag-ibig ang buwan ng Pebrero at ayon sa Department of Health nagkaroon ng higit 800 bagong kaso ng HIV sa nabanggit na buwan.

Base sa HIV / AIDS Registry of the Philippines, kabuuang 870 kaso ng HIV infections ang naitala noong Pebrero.

Bukod dito may 22 ang namatay dahil sa naturang sakit.

Sa nasabi ding ulat nakasaad na sa naturang bilang, 135 o 16 na porsiyento ang nakitaan na ng advanced HIV infections nang sila ay sumailalim sa unang pagsusuri.

Una nang napaulat na sa Asia-Pacific Region, ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagdami ng bilang ng HIV / AIDS sa 140 porsiyento kada taon.

Karamihan sa mga kaso ay bunga ng pagtatalik ng dalawang lalaki.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...