Cimatu tutol sa casino project sa Boracay

Hindi aprubado ni Environment Secretary Roy Cimatu ang planong pagpapatayo ng 23 ektaryang casino sa Boracay.

Ayon kay Cimatu, maraming ibang lugar na pwedeng pagtayuan ng casino.

Ang Boracay anya ay hindi ang uri ng lugar para sa casino dahil limitado ang kapasidad ng isla.

Iginiit din ng kalihim ang layon ng gobyerno partikular ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maibalik ang sikat na tourist destination sa dati nitong ganda.

Sinabi pa ni Cimatu na wala silang natatanggap na hiling sa permit para sa konstruksyon ng casino sa Boracay at nagulat sila sa balita na sinimulan na umano ang pagtatayo nito.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Cimatu sa nasabing plano dahil wala naming lumalapit sa kanilang mga negosyanteng Chinese.

Gayunman, ayon sa kalihim, kapag natuloy ang plano ay kailangang sumunod ang casino project sa environmental regulations.

Una rito ay nagbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng provisional license sa Macau-based company Galaxy Entertainment at Filipino partner nito na Leisure and Resorts World Corp.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...