Sa abiso ng DPWH, magsisimula ang road repair alas 11:00 ng gabi mamaya, April 6 at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, April 9.
Kabilang sa mga apektado ang mga sumusunod na kalsada:
Sa EDSA Southbound
- Ignacio Diaz hanggang P. Tuazon Blvd, 1st lane mula sa center island
- Mula Eugenio Lopez hanggang sa malapit sa Scout sa Borromeo, inner most lane
Sa EDSA Northbound
- Harap ng Vertis North hanggang Trinomal Mall, 3rd lane
- Harap ng FF Cruz hanggang Mapagmahal Street, 1st lane mula sa sidewalk
Sa iba pang lugar:
Southbound
- Visayas Avenue sa harap ng PCOO, inner lane
- Bonifacio Avenue mula A. Bonifacio, Mauban hanggang C-3
Northbound
- Quirino Highway, Lagro malapit sa Mater Carmeli, inner lane
- Congressional Avenue mula San Beda hanggang Visayas Avenue, 2nd lane
Ayon sa DPWH, gagamit sila ng one day concrete mix sa mga isasaayos na kalsada kaya agad mabubuksan ang mga apektadong linya sa Lunes ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES