SC pinadali ang kondisyon sa Sereno quo warranto case

Binago ng Korte Suprema ang kundisyon na nag-oobliga kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno sa quo warranto case laban sa kanya.

Ito ay kaugnay ng kundisyon na kilalanin ni Sereno na may hurisdiksyon ang Supreme Court na aksyunan ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Sa inamyendahang advisory, tinanggal ng Supreme Court en banc ang nasabing requirement para matuloy ang oral argument na hiniling ni Sereno.

Ipinadala sa media ang amended advisory ilang oras makalipas na maghain si Sereno ng pagtutol sa pag-obliga sa kanya na kilalanin ang hurisdiksyon ng Korte Suprema.

Naninindigan ang Punong Mahistrado na walang jurisdiction ang korte sa quo warranto petition na inihain ng Solgen dahil siya ay isang impeachable official.
Samantala, hindi tinanggal ng korte ang requirement na tumestigo si Sereno under oath at i-affirm at i-verify nito under oath ang mga alegasyon na nakalahad sa komento na inihain ng kanyang mga abogado sa quo warranto petition.

Itinakda na ang oral argument sa April 10 sa Session Hall ng SC compound sa Baguio City.

 

 

 

 

Read more...