Mariah Carey balik-Pilipinas sa Oktubre para sa one-night concert

Babalik sa Pilipinas si Mariah Caret para sa isang special one-night concert na magaganap sa October 26, 2018 sa Araneta Coliseum.

Sa anunsyo ng concert promoter na Wilbros Live, sa April 20, 2018, sisimulan ang pagbebenta ng ticket para sa konsyerto.

Hindi pa naman inaanunsyo kung magkano ang magiging halaga ng tickets.

Ito ang inang pagkakataon na babalik si Mariah sa Pilipinas simula noong 2014.

Ang concert ay magiging bahagi ng “the #1’s” tour ng pop singer kung saan inaasahang aawitin niya ang kaniyang mga chart-toppers.

Ang tour ay magsisimula sa October 7 sa Australia. At maliban sa Pilipinas, magtutungo din siya sa Japan at Indonesia.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...