Ito ay makaraang lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang Republic Act No. 11014 nagdedeklara sa January 23 bilang special non-working holiday.
Ito ay bilang paggunita sa pagkakatatag ng First Philippine Republic noong January 23, 1899 sa Barasoain Church sa Malolos City, Bulacan.
Nakasaad din sa nilagdaang batas na ang National Historical Commission sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education ay dapat maglatag ng mga aktibidad para sa nasabing petsa at siguruhing ang mapapanatili ang kahalagahaan ng makasaysayang okasyon.
Ang First Philippine Republic na kilala rin sa tawag na Malolos Republic ay naitatag sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulo Emilio Aguinaldo.