Jet ski, sports car nasabat ng Customs sa Cebu

CDN Photo

Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cebu ang dalawang jet skies at isang Porsche sports car.

Nabatid na misdeclared ang dalawang bagong jet skies na nagkakahalaga ng $8,000 ang bawat isa.

Ang mga ito ay mula sa US at nadiskubre noong nakaaraang Marso 27 at nakapangalan ito sa Imerex Group of Companies.

Samantala ang 2008 model Porsche sports car ay nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapena malaking tulong ang mga bagong x ray machines para masabat ang mga kontrabando.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...