Si Department of Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade ang inatasan ng pangulo na ipatupad ang pagsibak sa mga LTO officials at personnel.
Ito ay makaraang magreklamo kay Pangulong Duterte ang mga rice trader sa Luzon at sinabing sila ay kinikikilan ng mga tauhan ng LTO sa kanilang weighing scale sa Aritao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa reklamo ng mga truck owners umaabot sa milyon ang halaga ng nakukulimbat sa kanila kada buwan ng LTO.
Ang nasabing sumbong ay ipinarating sa pangulo ng mga negosyante ng bigas mula sa Cagayan Valley sa forum na kanilang dinaluhan Huwebes ng gabi.
Lahat umano ng truck na may kargang mga palay, bigas at iba pang agriculture products ay pinapadaan sa weighing scale para matiyak na hindi overloaded.
Halos 1,000 truck ang dumadaan sa timbangan kada araw kaya ang nakukulekta ng mga nangongotong sa kanila ay umaabot sa P500,000 hanggang P1 milyon.