Robin Padilla nakipagkita kay Pangulong Duterte para talakayin ang rehabilitasyon sa Marawi

IG Photo

Nakipagkita ang aktor na si Robin Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang nagpapatuloy na rehabilitasyon sa Marawi City.

Ibinahagi din ni Robin kay Pangulong Duterte ang mga konsultasyon na kanilang isinagawa sa mga residente sa Marawi.

Patuloy ang pagtulong ng aktor sa mga residente sa Marawi sa ilalim ng grupong Tindig Marawi.

Ayon sa aktor, inilahad niya sa pangulo ang mga ginagawa ng Tindig Marawi.

Malaking tulong ayon kaky Robin ang pagiging malapit niya sa pangulo dahil wala namang gobyernong humahawak sa Tindig Marawi, wala umano itong malaking pondo, at wala silang posisyon sa gobyero.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...