Dalawang opisyal ng DOTr, muntik magkasuntukan

INQUIRER.net file photo

Nagkasagutan at muntik nang magkasuntukan ang dalawang opisyal ng dept of transportation-MRT 3.

Ayon sa ipinadalang mensahe ni MRT Director Mike Capati kay Transportation Secretary Art Tugade, sinugod umano siya ni MRT General Manager Rodolfo Garcia.

Naganap umano ang insidente sa mismong tanggapan ng MRT sa North Avenue sa Quezon City, at sa harap ng ilang mga opisyal ng Asian Development Bank and Australia, at ni USec. TJ Batan na kanilang ka-meeting.

Pinagbuksan pa umano ng pintuan ni Capati si Garcia, ngunit bigla siyang sinigawan nito at kinuwelyuhan.

Tinanong rin umano ni Garcia si Capati kung bakit nito pinakikialaman ang kanyang trabaho.

Ayon kay DOTr Public Information Office Director Goddes Hope Libiran, natanggap na nila ang impormasyon; pero inaalam pa nila kung ano ang iba pang detalye nito.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng DOTr sa nasabing insidente.

 

 

 

 

 

 

Read more...