Itutuloy na ng Pilipinas ang pag-aangkat sa 250,000 metric tons na bigas mula sa mga bansang Vietnam at Thailand.
Ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino iniutos niya ang importasyon ng bigas sa ilalim ng government-to-government (G to G) scheme.
Batay sa orihinal na plano ng NFA council, gagawin sana ang importasyon ng bigas sa ilalim ng open tender scheme kung saan ang gobyerno ay makikipagkasundo sa mga private rice traders.
Pero ayon sa NFA, mas mabilis ang proseso ng procurement ng bigas sa ilalim ng G to G scheme.
Ang Pilipinas ay mayroong umiiral na memorandum of understanding sa Vietnam at Thailand hinggil sap ag-import ng bigas.
Inaasahang sa katapusan ng buwan ng Mayo dadating ang paunang shipment ng mga bigas sa mga pantalan sa Cebu, Davao at Maynila.