Resigned Justice Sec. Aguirre dumalo ng misa sa DOJ

Contributed Photo

Dumalo sa selebrasyon ng isang misa sa Department of Justice (DOJ) si resigned Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.

Kasama ni Aguirre sa first Friday mass ang kanyang maybahay at sina Undersecretaries Erickson Balmes, Reynante Orceo, Raymund Mecate at Antonio Kho.

Napansin ng ibang nagsimba na may lungkot sa mukha ni Aguirre at hindi na rin ito tumanggap ng tanong mula sa media.

Naglabas naman ito ng nakahandang pahayag kung saan sinabi nito na nagpapasalamat siya kay pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitiwala at kumpiyansa sa kanya.

Nagpasalamat din ang kalihim sa pagkakataon na pamunuan ang DOJ at mga nakatrabaho.

Binanggit din nito na naniniwala siya na nagawa naman niya ng maayos ang kanyang trabaho.

Samantala kinumpirma ni balmes na nagsimula nang magligpit ng kanyang mga gamit sa kanyang opisina si Aguirre.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...