Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 ang pagbasa ng sakdal sa mga akusado sa P6.4 billion shabu shipment case.
Sa pagdinig na isinagawa ni Manila RTC Branch 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa ipinagpaliban ang arraignment sa April 27.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na naipagpaliban ang arraignment.
Kabilang sa babasahan sana ng sakdal ang customs broker na si Mark Taguba at ang consignee ng shabu shipment na si Eirene May Tatad.
Pinagbigyan ni Montesa ang kampo ng depensa na maghain ng kanilang apela makaraang ibasura ng korte ang tatlo nilang mosyon na kinabibilangan ng motion to suppress evidence, motion to quash the charges, at motion to defer arraignment.
Maliban kina Taguba at Tatad, respondent din sa nasabing kaso sina Li Guang Feng alyas Manny Li, Dong Yi Shen Xi alyas Kenneth Dong, Teejay Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jhyun, Richard Tan, Chen Rong Juan at tatlong iba pa.