Ang outbreak ng diarrhea ay idineklara sa tatlong barangay sa bayan ng Pata sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat ng Pata municipal health office, 44 na indibidwal karamihan ay bata ang tinamaan ng acute gastroenteritis.
Sinabi ni ARMM Health Secretary Dr. Kadil Sinolinding, 27 sa nasabing bilang ay naka-confine pa sa Parang District Hospital.
Posible ayon kay Sinolinding na ang kontaminadong tubig ang dahilan ng pagkalat ng sakit.
Mula noong March 27, apat na bata na ang naitalang nasawi.
May naka-standby na ding seacraft sa bayan ng Pata sakaling kailanganin na ilipat ng Zamboanga City ang mga pasyente.
Nagpadala din si incoming Armed Forces Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. ng dalawang Huey choppers para mabilis na mailipat ang mga pasyente kung kakailanganin.
Namahagi na ang ARMM government ng water purifying tablets at solutions, water testing kits at mga pagkain sa munisipalidad ng Pata.