Dagdag singil ng Meralco ngayong buwan nasa P0.23/kWh

Inanunsyo na ng Meralco ang halaga ng ipapataw nitong dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa Meralco, P0.23 kada kilowatt hour ang halaga ng ipapataw nilang dagdag singil.

Magre-reflect na ang nasabing dagdag singil sa April bill ng mga consumer.

Sa pagtaya ng Meralco, nasa pagitan ng P45 hanggang P113 ang halaga ng madaragdag sa bill ng mga consumer depende sa laki ng kanilang konsumo.

 

 

 

 

 

 

Read more...