Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dadalo si Pangulong Duterte sa Boao Forum for Asia mula April 9 hanggang o 10.
Mula China, magtutungo ang pangulo sa Hong Kong para sa working visit.
Ayon kay DFA Undersecretary Manuel Teehankee, magkakaroon ng bilateral meeting si Duterte sa kaniyang Chinese counterpart bilang sidelines ng forum.
Kabilang sa inaasahang matatalakay ay ang pamamaraan upang lalo pang mapagtibay ang bilateral relations ng Pilipinas at China.
Ang dalawa ay huling nagkausap sa Asia-Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ Meeting na ginanap sa Vietnam noong Nobyembre.