Bagong Justice Sec. Guevarra mananatili muna sa Malakanyang

Tatapusin muna ni bagong Justice Secretary Menardo Guevarra ang lahat ng kanyang trabaho sa Office of the Executive Secretary sa Malakanyang bago ito magsisimula sa kanyang bagong trabaho sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi nito na ang bilin sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ibalik ang integridad ng DOJ sa pamamagitan ng tamang pagta trabaho.

Binanggit din ni Guevarra na madalang silang magkita ni Pangulong Duterte kaya’t aniya labis labis ang kanyang kaligayahan sa sobrang kumpiyansa sa kanya ng Punong Ehekutibo.

Aminado ito na napaka-sensitibo ng kanyang bagong trabaho kaya’t kailangan na tapatan niya ng maayos na pagseserbisyo ang tiwala sa kanya ng Pangulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...