78 OFWs na pawang biktima ng human trafficking sa Abu Dhabi nakabalik na ng bansa

Kuha ni Jan Escosio

Baon ang samu’t saring masalimuot na mga kuwento masaya na rin at nakabalik na ng Pilipinas ang 78 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sakay ng Philippine Airlines Flight PR 657 dumating sa bansa ang mga OFW alas 9:15 ng umaga.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Abu Dhabi Constancio Vingno dapat ay 81 OFWs ang kanilang maiuuwi ngunit may tatlo na hinabol pa ng kanilang mga amo at ipinahuli.

Ngunit tiniyak ni Vingno na gagawaan nila ng paraan para makauwi na rin ang tatlo pang OFWs.

Nabanggit pa ng opisyal na may 150 pa na OFWs ang kanilang iuuwi.

Samantala, sinabi ni Vingno na karamihan sa mga kauuwing OFWs ay biktima ng human trafficking.

May ilan na overstaying at iba naman ay undocumented o walang papeles para legal na makapagtrabaho sa UAE.

Ang mga OFWs ay libreng makakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya at pababaunan din sila ng P20,000 livelihood assistance.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...