Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang ginang na anim na buwang buntis sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Mandaue City.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Branch at ng Mandaue City Police Office, Biyernes ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, ang buntis ay isa sa malaking supplier ng droga sa mga lungsod ng Mandaue at Cebu.
Nadakip din ang kasama niyang lalaki na umano ay nagsisilbi niyang runner.
Nakuha mula sa dalawa ang 125 na gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 million pesos.
READ NEXT
Sec. Bello, hindi magbibitiw sa pwesto; itinanggi ang mga bintang na katiwalian laban sa kaniya
MOST READ
LATEST STORIES