Sen. Trillanes, duda na may mailalabas na totoong Oplan Tokhang documents ang PNP

Radyo Inquirer File Photo

Ibinahagi ni Senator Antonio Trillanes IV ang kanyang pagdududa na makakatugon ang PNP sa utos ng Korte Suprema na isumite ang lahat ng mga dokumento na may kaugnayan sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Trillanes sa 4,000 insidente ng ‘nanlaban’ na kinasasangkutan ng mga pulis kailangan nilang maglabas ng katulad na bilang ng mga baril.

Duda ni Trillanes, ‘recycle’ ang mga baril na sinasabing ginamit ng mga nanlaban na drug-personalities.

Samantala, ang mga police reports naman ay maaring gawa-gawa rin at mabubuko sila sa masusing pagsusuri na gagawin ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi naman ni Sen Ping Lacson maging sa mga pagdinig sa Senado ay paulit ulit nilang hinihingi ang mga dokumento mula sa PNP ngunit hindi pa rin tumatalima ang pambansang pulisya.

 

 

 

 

 

 

Read more...