Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, isinagawa ang noise barrage dahil sa reklamo ng isang grupo ng mga pasaway na inmate na inilipat ng ibang selda.
Nauwi sa gulo ang pagkilos makaraang wasakin ng mga preso ang kanilang higaan para gamiting pang-ingay.
Nagbarikada din ang mga preso para hindi sila mapasok ng mga gwardya.
Ayon kay Senior Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP, naghulog sila ng tear gas upang mapatigil ang mga preso.
Inihinto rin muna pansamantala ang dalaw sa bilangguan habang ang mga nasugatang bilanggo ay dinala sa Rizal Medical Center.
READ NEXT
Pag-atake, karahasan, pangingikil, dapat itigil ng NPA kung sinsero sila sa pagbabalik ng peace talks – Año
MOST READ
LATEST STORIES