Dating miyembro ng MILF naaresto sa Maguindanao

Naaresto sa Maguindanao ang isang dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos makuhaan ng baril.

Dinakip ang suspek na si Toto Ebrahim, 43 anyos sa Barangay Tapian sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Ayon kay Police Chief Superintendent Graciano Mijares, regional director ng ARMM Police Regional Office, naaresto ang suspek sa Barangay Tapian nang isilbi sa kaniya ang search warrant na inisyu ng Cotabato City Regional Trial Court 12th Judicial Region.

Ito ay dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre 45 na baril, isang magazine at pitong bala ng kalibre 45.

Si Ebrahim ay dati umanong miyembro ng MILF 105th base command.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...