Running trains ng MRT umabot sa 16 Huwebes ng gabi; pinakamataas mula Enero

Kasabay ng positibong pagtanggap sa tila ay gumagandang serbisyo ng Metro Rail Transit (MRT 3), 16 na tumatakbong tren na may tig-tatatlong bagon ang nagawang bumiyahe kagabi.

Ito na ang pinakamataas na record ng running trains simula pa noong Enero.

Noong January 5 pa huling nakapagpatakbo ang MRT ng 15 functional trains.

Ayon kay MRT 3 Director for Operations Michael Capati, 16 na tren ang tumatakbo bandang 7:24 ng gabi ng Huwebes na dahilan upang mapababa sa 5.5 minutes ang train arrival sa bawat istasyon.

Matatandaang nauna nang ipinahayag ng management ng MRT 3 na mas marami pang tren ang kanilang maidedeploy dahil na rin sa pagdating ng spare parts.

Nagsimulang dumami ang bumabyaheng tren ng MRT 3 matapos ang matagumpay na maintenance works sa pangunguna ng Department of Transportation noong Holy Week.

Naging kontrobersyal ang linya ng tren matapos ang pagbaba ng running trains nito sa 6-12 noong mga nakaraang linggo.

Ipinangako rin ng management ng MRT 3 na bago matapos ang taon na maitataas sa 20 ang tumatakbong tren.

 

 

 

 

 

 

Read more...