Sa isang panayam, sinabi ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na maaaring higit pa sa 10,000 hanggang 50,000 ang mareregular kung iisiping mabuti ang dami ng empleyado ng Jollibee sa buong bansa.
Iginiit ng kalihim na kasalukuyan nang isinasagawa ang mga inspeksyon at nakapagpapasa na ng kanilang reports ang regional heads ng kagawaran.
Matatandaang iniutos ni DOLE – National Capital Region Director Henry John Jalbuena na i-regularize ang 6,482 workers na itinalaga ng dalawang contractors sa Jollibee.
Binigyan ng sampung araw ang JFC na iapela ang desisyon ng DOLE NCR.
Iginiit naman ni Bello na may kapangyarihan si Jalbuena na ipatupad ang naturang kautusan.