Sa naturang mosyon, sinabi ng mga abogado ni Robredo na dapat sundin ng PET ang 25% threshold na itinakda ng COMELEC at hindi ang 50% threshold na itinakda naman ng PET noong 2010.
Nakasaad sa mosyon na kung susundin ang 50% threshold ay magkakaroon ng ‘systematic decrease’ ang mga boto na natanggap ni Robredo.
Ngunit para sa kampo ni dating senador Bongbong Marcos, dapat sundin ang panuntunan ng PET.
Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez, ang resolusyon ng COMELEC ay tungkol sa mismong eleksyon at sa ngayon ay hindi na iyon ang concern ng kanilang kampo.