Ito ay dahil sa kanyang natamong injury sa kanang tuhod.
Sa isang panayam ay sinabi ng isang opisyal na sumailalim si Irving sa isang operasyon noong Marso para tanggalin ang wire na nilagay sa kanyang tuhod noon namang inoperahan siya para na-fracture niyang kneecap noong 2015.
Gumaling at maayos naman na ang tuhod ni Irving ngunit dahil sa wire ay nalalagyan ito ng malaking pressure.
Samantala, sa katatapos lamang na laban ng Celtics laban sa Toronto Raptors ay natalo ang koponan sa iskor na 96-78.
Ngayong araw ng Biyernes ay kakalabanin ng Celtics ang Chicago Bulls habqang magaharap naman ang Raptors at Indiana Pacers sa pagpapatuloy ng NBA Eastern Conference regular season para sa 2018.