Ito ay dahil inanunsyo na ni JLo na mayroon siyang teamup kasama ang international cosmetic brand na Inglot para ilunsad ang kanyang unang makeup line.
Sa pamamagitan ng kani-kanilang social media handles ay sabay na inanunsyo ni JLo at Inglot sa Instagram na ilalabas na ang kanilang collab sa April 26.
Sa ngayon ay wala pang detalye tungkol sa mga cosmetic products na ilalabas sa naturang collaboration. Ngunit batay sa mga report ay mayroong 70 mga produktong ilulunsad si JLo at kabilang dito ang eyeshadow, lipstick, at makeup base.
Unang lumabas ang ugong-ugong tungkol sa beauty line matapos mag-comment ang makeup artist nito na ginamit niya ang bronzer na mismong ginawa ni JLo.
Nauna nang sumali sa beauty industry ang iba pang mga celebrities kagaya nila Kim Kardashian, Kylie Jenner, Madonna, Rihanna, Drew Barrymore, at para naman sa Pilipinas, sina Anne Curtis, Vice Ganda, at Nadine Lustre.