Epektibo 12:01 ng madaling araw ng Martes, nagpatupad ng P1.05 na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, 15 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosone ang mga kumpanyang Shell, Chevron, Flying V, at Seaoil.
Alas 6:00 naman ng umaga nagpatupad ng parehong halaga ng dagdag presyo ang mga kumpanyang Petron, Phoenix at PTT.
Ang Eastern Petroleum nag-anunsyo din ng parehong price increase para sa kanilang Gasolina at Diesel.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, epekto ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa World Market./ Dona Dominguez-Cargullo
MOST READ
LATEST STORIES