Sinabi ng senadora na sa ganitong paraan ay magkakaroon ng maayos na pagkakakitaan ang unang graduates ng K to 12 program ng gobyerno.
Ayon pa kay Poe, masasabi lang na tunay na matagumpay ang Enhanced Basic Education Act of 2013 kung may kooperasyon ang pribadong sektor, dahil malaking bahagi sila ng job market sa bansa.
Una nang nagpahayag ng pagdududa ang Philippine Chamber of Commerce and Industry kung sapat na 80-hour on the job training ng mga senior high school students para mag-trabaho.
Tumugon naman na ang DepEd ukol dito ang tiniyak na handa nang mag-trabaho ang mga Grade 12 graduates.