Pagsibak kay Sec. Vitaliano Aguirre huli na para kay Sen. Risa Hontiveros

Huli man at magaling, huli pa rin!

Tila ito ang buod ng reaksyon ni Sen Risa Hontiveros sa pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitiw sa puwesto ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.

Iginiit ni Hontiveros malaking pinsala na ang nagawa ni Aguirre sa halos dalawang taon nitong pamumuno sa DOJ.

Aniya ginamit ni Aguirre ang Justice Department para sa gumawa at magpakalat ng mga fake news, para mang-harass ng mga taga-oposisyon sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga pekeng kaso at mangunsinti ng mga drug lords, mandarambong at mga high profile criminals.

Ikinatuwa naman ni Sen Bam Aquino sa pagkawala na ni Aguirre sa puwesto dahil aniya sa mata ng publiko ay nauubos na ang kredibilidad ng kalihim bunga ng kanyang mga kapalpakan.

Sinabi ni Aquino na ang kailangan ng bansa na justice secretary ay may kredibilidad, respetado at may integridad para maibalik ang kumpiyansa sa sistema ng hustisya.

Samantala, tanging nakakalungkot lang ang inisyal na reaksyon ni Senate President Koko Pimental naging hakbang ng Pangulo.

Ayon naman kay Senate Majority Leader Tito Sotto alam ng Pangulo kung ano ang makakabuti, samantalang sinabi naman ni Sen Joel Villanueva na desisyon at nasa kapangyarihan naman ng Punong Ehekutibo ang kanyang ginawa.

Read more...