Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagmula ang oil spill sa isang sirang tubo ng state-owned energy company na Pertamina ng Indonesia na ginagamit para mag-dala ng crude oil.
Ayon kay Balikpapan city secretary Sayid Fadli, nangangamoy krudo ang baybayin ng Semayang Port dahil sa nangyaring oil spill.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng state of emergency ang Balikpapan, kung saan mahigit 1,300 katao na ang nakararanas ng hirap sa paghinga, pagkahilo, at pagsusuka.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente habang nililinis naman ng port authorities ang kumalat na krudo sa katubigan ng Balikpapan.