Kinilala ang napatay na suspek na si Maguid Sinduan na dating konsehal sa isang barangay.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, si Sinduan ang pinuno ng Amiril drug syndicate na nag-ooperate sa Maguindanao at Cotabato City.
Ayon kay PDEA-ARMM director Juvenal Azurin, naaresto sa nasabing operasyon ang asawa ni Sinduan na si Farida.
Narekober naman ng PDEA-ARMM ang nasa P1 milyong halaga ng shabu at mga baril sa bahay ng mag-asawang Sinduan.
Samantala, sa dalawa pang operasyon ng mga otoridad sa Barangay San Miguel at Barangay Poblacion sa Norala, South Cotabato ay napatay ang dalawang mga sinasabing tulak ng droga na sina Ryan Barcarcel at Melvin Montibon.
Ayon kay Chief Inspector Aldrin Gonzales ng Central Mindanao Police Office, maghahain lamang dapat ng search warrant ang mga otoridad nang unang magpaputok ang mga suspek.
Narekober ng mga otoridad ang ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at dalawang baril sa dalawang operasyon.