Pagtalakay sa cabinet meeting ng rehabilitasyon ng Pasig River, welcome development ayon sa PRRC

Welcome development sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang pagtalakay sa cabinet meeting ng tungkol sa rehabilitasyon ng Pasig River.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, isa itong “welcome development” dahil bibigyang prayoridad na rin ng pamahalaan ang pagbuhay at pagpapa-unlad sa ilog.

Kaugnay nito, sinabi ni Goitia na nakahanda ang PRRC na ilahad sa administrasyon ang kanilang mga plano para sa rehabilitasyon ng Pasig River.

“Sa pamamagitan nito mailalatag namin sa gabinete ang aming plano para sa rehabilitasyon ng Pasig River nang sa ganun ay makuha namin ang kanilang buong suporta,” dagdag pa ni Goitia.

Ginawa ni Goitia ang pahayag matapos ang ulat na mismong si Honeylet Avanceña, partner ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagmungkahi na talakayin sa cabinet meeting ang rehabilitasyon ng Pasig River.

Ayon sa ulat, ang mungkahing ito ni Avanceña ay ipinaabot sa Malakanyang ni Special Assistant to the President Bong Go.

Magugunitang, dalawang dating unang ginang din ang nanguna sa pagbuhay sa Pasig River na kinabibilangan nina Amelita “Ming” Ramos at Imelda Marcos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...