MRT may libreng sakay sa mga beterano sa paggunita sa Philippine Veterans Week

May libreng sakay ang Metro Rail Transit-3 sa mga beterano ngayong linggong ito.

Ayon sa abiso ng MRT-3 bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa April 9 at sa Philippine Veterans Week, libreng makasasakay sa tren ang lahat ng Filipino veterans.

Ito ay mula ngayong araw April 5 hanggang April 11, alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:30 ng gabi.

Kasama din sa libreng sakay ang isang companion o kasama ng mga beterano.

Ang Philippine Veteran Week ay taunang ginugunita tuwing April 5 hanggang 11 habang ang Araw ng Kagitingan naman na ginugunita tuwing April 9 ay deklaradong regular holiday sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...