Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, dapat isama ng liderato ng kamara sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa Mayo ang nasabing panukala.
Sinabi ni Vargas, isa sa may-akda ng panukala na malaking tulong ito upang masawata ang mga sindikato na ginagamit ang cellphone sa kanilang mga iligal na aktibidad.
Isa rin anya sa nais ng panukalang batas na ayusin ang serbisyo ng mga telecommunication companies upang magkaroon ng mas magandang opsyon ang mga subscribers.
Sa ilalim ng panukala, maaring i-retain ng susbscribers ang kanilang numero kahit na magpalit ito ng service provider o kaya naman ay lumipat sa postpaid patungong prepaid o vice versa.
Paliwanag nito, maraming mga subscribers ang nagtitiyaga sa palpak a serbisyo ng ng mga telcos para lamang hindi makapagpalit ng number.