Dinagsa ng mga miyembro ng mga may utang na miyembro ang Social Security System para makapag-avail ng Loan Restructuring Program o LRP na may penalty condonation.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, principal at interest lamang ng inutang ang babayaran ng mga gustong mag-avail sa programa.
Ang LRP ay tatakbo ng anim na buwan na magtatapos sa October 1.
Target ng ahensya ang 25,000 na miyembro na tumugon sa Loan Restructuring program.
Sa mga nais mag-avail sa LRP, kailangan isumite lamang ang kinakailangang requirement tulad ng LRP application form na maaaring nang i-download sa SSS website na www.sss.gov.ph kasama ang dalawang valid na identification cards at affidavit of residency.
Sa ilalim ng LRP, maaaring bayaran ng buo o hulugan ang prinsipal na utang kasama ang interes sa ilalim ng isang restructured term na naaayon sa kapasidad ng miyembro.