Sa ulat ng Philippine Statistics Authority ang pagtaas ng presyo sa ng mga basic goods noong nakaraang buwan ay mas mabilis kumpara sa 3.1 percent na naitala noong nakaraang taon at 3.8 percent na naitala noong Pebrero.
Sa ulat ng PSA, kabilang sa naging mabilis ang pagtaas ay ang presyo ng alcoholic beverages at tobacco products.
Sa datos, ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages ay tumaas ng 5.9 percent;
Ang halaga ng restaurant at miscellaneous goods and services ay tumaas ng 3 percent;
Ang housing, water, electricity, gas at iba pang produktong petrolyo ay tumaas ng 2.9;
Ang mga furnishing, household equipment, mga gamit para sa routine maintenance ng bahay ay tumaas ng 2.7 percent;
Ang mga may kaugnayan sa kalusugan ay tumaas ng 2.4 percent;
At komunikasyon ay tumaas ng 0.3 percent.
Ang tumaas na bayarin sa buwis ang naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ayon sa Department of Finance (DOF).
Sa mga alak at sigarilyo halimbawa, sinabi ng DOF na mayroong pinairal na “sin tax”.
Maaring nakaambag din umano ang TRAIN law dahil sa ilalim ng nasabing batas, ay tumaas ang presyo ng sigarilyo at alak.