4 na mahistrado ng SC pinag-iinhibit ng kampo ni CJ Sereno sa quo warranto case

Kinumpirma ng kampo ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno ang pagpapa-inhibit nito sa apat na mahistrado ng SC sa pagdinig at pagpapasya sa quo warranto petition ng Office of the Solicitor General.

Hayagang tinawag ng kampo ni Sereno na mga bias na mahistrado sina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza at Noel Tijam.

Ang apat na ito ay nauna nang tumestigo laban kay Sereno sa Impeachment case sa Mababang kapulungan ng Kongreso at aktibo rin sa tinatawag na “Red Monday” protest ng mga opisyal at kawani ng SC na nananawagan ng pagbibitiw ni Sereno.

Kahapon naghain ang mga abogado ni Sereno ng apat na magkakahiwalay na mosyon sa SC sa Baguio City para pormal na hilingan sa SC ang pag-i-inhibit ng apat sa quo warranto petition.

Naniniwala ang kampo ni Sereno na malalabag ang karapatan ng punong mahistrado na mabigyan ng due peocess kung papayagang makibahagi sa delibirasyon ng quo warranto case ang apat na SC justices.

Hindi rin anila makakapagdesisyom ang mga ito ng parehas.

 

 

 

 

 

 

Read more...