1 sundalo sugatan, mahigit 70 pamilya ang inilikas sa bakbakan ng militar at NPA sa Sarangani

Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Alabel, Sarangani.

Ayon kay 1st Lt. Daryll Cansancio ng 73rd Infantry Battalion, plano umano ng komunistang grupo na mangikil sa Barangay Tokawal.

Noong nakalipas na linggo pa aniya nila minamanmanan ang kilos ng Front Committee 71.

Nasugatan sa engkwentro ang isang sundalo na ligtas na ang lagay habang patuloy na ginagamot sa ospital.

Hindi pa tiyak kung may sugatan sa panig ng NPA.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang improvised explosive device at iba pang gamit ng grupo.

Kinailangan namang ilikas ang 72 pamilya, kung saan 12 ang iniligtas matapos maipit sa engkwentro.

Patuloy pa rin ang pursuit operations ng militar pero maaari nang bumalik sa kani-kanilang tahanan ang mga residente sa lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...