Walang naitalang pila sa MRT sa kasagsagan ng rush hour

Labinglimang tren ng Metro Rail Transit ang bumibiyahe ngayong umaga sa kasagsagan ng rush hour.

Sa abiso ng MRT-3 mula kaninang alas 8:00 ng umaga ay 15 tren nila ang running sa buong linya ng MRT.

Sa pagsisimula ng operasyon kaninang umaga, pitong tren lang ang unang naideploy pero agad nadagdagan ang bilang ng tren sa mga sumunod na oras.

Samantala sa pinakahuling abiso ng DOTr alas 9:36 ng umaga ay walang pila ng mga pasahero sa North Avenue Station North at Southbound.

Kaninang alas 6:36 ng umaga na kadalasan ay buhos ng mga pasahero sa Noorth Avenue wala ring naitalang pila sa istasyon.

 

 

 

 

 

Read more...