Ang top 10 Safest Cities in Southeast Asia 2018 ay ibinahagi sa social media ni Senator Sherwin Gatchalian.
Pumangalawa kasi sa listahan ng sampung pinakaligtas na mga lungsod sa Southeast Asia ang Valenzuela City na mayroong safety index na 74.79.
Kasama din sa listahan ang Davao City na nasa ikaapat na pwesto at may safety index na 71.21.
Nasa ikalimang pwesto ang Makati City na mayroong 60.44 safety index.
Ikaanim ang Baguio City na may 59.43 na safety index at nasa number 8 ang Cebu City na mayroong 55.72 safety index.
Ang iba pang nasa top 10 ay ang Singapore na nasa unang pwesto at may safety index na 83.77.
Ang Chiang Mai, Thailand na nasa ikatlong pwesto, ang Bali Indonensia – pangpito, Penang Malaysia – ikasiyam na pwesto at nasa pang-sampung pwesto ang Bangkok, Thailand.
Ang nasabing datos ay mula sa “Numbeo” na isang crowd-sourced global database na nag-uulat ng consumer prices, crime rates, kalidad ng health care at iba pang statistics sa mga bansa sa mundo.