Blogger na namaril sa YouTube headquarters sa California, dismayado sa polisiya ng kumpanya

Ang kaniyang pagkadismaya sa polisiya ng kumpanya ang dahilan kaya namaril ang babaeng suspek sa headquarters ng YouTube sa California kahapon.

Ayon sa San Bruno Police, ang 39 anyos na suspek na si Nasim Aghdam na mula sa San Diego ay nagtungo muna sa isang local gun range ilang oras bago niya ginawa ang pamamaril sa YouTube campus.

Apat ang nasugatan sa nasabing pamamaril, tatlo sa kanila ay nagtamo ng tama ng bala ng baril habang ang isa ay nagtamo ng injury sa paa.

Nasawi naman ang video blogger na si Aghdam matapos magbaril sa sarili.

Nabatid din ng mga pulis na legal na pagmamay-ari ng suspek ang ginamit niyang baril pero hindi pa malinaw kung saan niya ito binili.

Sa statement ng ama ng suspek, sinabi nilang nasa state of shock ngayon ang buong pamilya.

Labis umano silang nalulungkot sa nangyari sa mga biktima at dalangin nila ang mabilis na paggaling ng mga ito.

Ayon sa San Bruno Police, dismayado ang suspek sa polisiya at mga alituntunin ng kumpanya, pero hindi na pinalawig pa ang ibang detalye hinggil sa nasabing impormasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...