Walang indikasyon na may sisibaking gabinete, sa ginanap na cabinet meeting sa Malakanyang

PHOTO: SAP Bong Go

Walang indikasyon na may magaganap na pagsibak sa sinumang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isinagawang cabinet meeting sa Malakanyang Miyerkules ng gabi, kapwa dumalo sina Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Labor Sec. Silvestre Bello III.

Ang dalawa ay kapwa napabalitang sisibakin o magbibitiw sa pwesto.

Pero sa mga larawan na inilabas ni Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go, makikita ang masaya at magaan na mood matapos ang cabinet meeting.

Katunayan, kapwa katabi pa ng pangulo sa mga larawan sina Aguirre at Bello batay sa mga mga inilabas na pictures ni Go.

Matapos ang cabinet meeting, binigyan din ng mga miyembro ng gabinete ng cake si Pangulong Duterte bilang pagbati sa kaniyang katatapos lamang na kaarawan.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Aguirre ay mananatili sa kaniyang pwesto.

 

 

Read more...