Mga miyembro ng PMAAAI na nagpalabas ng paid ad laban kay Sen. Trillanes namumulitika – Rep. Alejano

AP Photo via INQUIRER.net

Kasunod ng pagpapalabas ng pahayag laban kay Senator Antonio Trillanes IV inakusahan ng pamumulitika ng isang kongresista ang mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc na bumabanat sa senador.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, dapat iniiwasan ng mga miyembro ng PMAAAI ang pamumulitika lalo na ang mga aktibo sa serbisyo dahil paglabag ito sa kanilang service protocol.

Sinabi ni Alejano na gumastos pa ng daang libong piso para sa print advertisement ang mga bumabanat kay Trillanes gayung ang concern naman ng mga ito ay para sa PMAAAI.

Hinikayat naman ni Alejano ang PMAAAI na bumuo ng ethics committee upang imbestigahan ang mga ginagawa ng kanilang mga miyembro tulad ng senador.

Nanawagan naman ito sa mga miyembro nito na alamin ang katotohanan sa mga bintang laban kay Trillanes upang hindi magpalaganap ng fake news.

Read more...