Dahil dito, isang panalo na lang ang ay makakamit na ng koponan ang kanilang ikaapat na sunud-sunod na All-Filipino title.
Nanguna para sa Beermen si Alex Cabagnot sa kanyang 27 points.
Ayon kay San Miguel coach Leo Austria, may puso ng mga kampeon ang kanyang mga manlalaro. Alam anya ng mga ito kung paanong matalo at alam kung paanong manalo.
Matibay anya ang depensa ng kanyang koponan kung saan napipigilan nito na makaiskor ng malaki ang Magnolia na kahapon ay nakapagtala lang ng 80 habang noong nakaraang laban ay 87 lang.
Nanguna para sa Hotshots si Ian Sangalang na nakapagtala ng 22 points at 11 rebounds dahilan para lumamang sa 14 ang koponan sa unang quarter ngunit hindi naman naipagpatuloy hanggang matapos ang laban.
Malalaman na sa Biyernes kung maiuuwi na ng San Miguel ang kampeonato sa Game 5 ng torneo na magaganap sa Mall of Asia Arena.