Mismong si Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang kumilala sa mga suspek na tinuturong mga tandem in rider na sangkot sa insidente ng pangho-hold up sa dalawang carwash sa Quezon City.
Ito ay sina Annie Bautista, 39 years old, Joven Sabalza, 19 years old, Roel
Mendoza, 26 years old, Jace Solis, 24 years old, John Asuncion, 33 years old.
Base sa ulat magkasunod na ninakawan at nang-hold up ang apat na suspek sa pagitan ng 9:30 pm at 10:30 pm nitong nakalipas na April 3.
Unang hinold up ang carwash sa at ang bulalohan na parehong nasa kahabaan ng Mindanao Ave Quezon City.
Matapos ang krimen agad na nagsumbong ang mga biktima sa Talipapa Police Station (PS-3) na sakop ni PSupt Danilo Mendoza.
Na-trace ng mga police ang mga suspek 4B North Bille Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan sa pamamagitan ng gps apps sa cellphone.
Dito naarresto ang lima at nabawi sa kanila ang P242,000 na ninakaw na pera, mga cellphone ng mga biktima, relo at maging ng mga motorsiklo na kinarnap at ginagamit na gateway vehicle ng mga suspek sa pang-hohold up at tatlong baril at bala maging ng isang replika ng baril na ginagamit na panakot.