Sa isang statement, nakasaad na sa report kay Labor Undersecretary Joel maglunsod, sinabi ni DOLE National Capital Region Director Henry John Jalbuena na inutusan niya ang JFC na iregularize ang nasa 6,482 Jollibee workers na idineploy ng dalawa nilang contractors.
Inatasan din ng ahensya ang nasabing fast food giant na i-refund ang iligal na nakolektang bayad sa 426 na apektadong manggagawa na nagkakahalaga ng mahigit 15 million pesos.
Ang nasabing refund ay para sa coop share, coop christmas party, paluwagan fund at coop savings fund na kinolekta sa Jollibee employees.
Bukod dito ay inutusan din ng DOLE ang limang contractors ng JFC na ibalik ang iligal na kaltas sa sweldo, bond, donasyon, share at iba pang koleksyon sa 412 na apektadong workers na nagkakahalaga ng mahigit apat na milyong piso.
Ayon sa ahensya, patuloy ang kanilang inspeksyon sa mga malalaki at sikat na fast food chains sa bansa alinsunod sa kampanya laban sa iligal na kontraktuwalisasyon.
Wala pa namang opisyal na reaksyon o pahayag ang Jollibbee Foods Corporation sa utos ng DOLE.