Ayon kay Lacson maaring napapanahon na para baguhin ang ibang pamamaraan o istratehiya para tuluyan nang magwakas ang isyu.
Ipunto nito na simula nang magkaroon ng mga usapang pangkapayapaan ay tila umiikot ikot lang ang proseso.
Pagkatapos mag-usap ay magkakaroon ng mga paglabag, na susundan ng sisihan at turuan, bago muling magkakaroon ng pag-uusap.
Aniya para wala rin kinahihitnan ang lahat.
Sinabi pa nito na magandang suriin ang kasaysayan para malaman ang tunay na ugat ng problema sa pag-uusap at kung saan nabibigo ang magkabilang panig.
Binanggit pa nito na ang limang dekadang problema sa kilusan ay ang pinakamahaba na sa buong mundo.