Sinabi ni Alejano, na hindi na dapat hintayin pa ni Aguirre na sibakin ito ng pangulo dahil sa lahat anya ng mga kapalpakan nito ang tamang gawin ay magbitiw.
Gayunman, sinabi nito na kung lilisanin na ni Aguirre ang posisyon dapat pa rin itong maimbestigahan sa kanyang mga nagawang kabulastugan sa kagawaran.
Sakali anyang mayroong paglabag sa batas si Aguirre, hindi lamang pagsibak kundi dapat ay maparusahan ito.
Igiinit naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na ang plano ng pangulo na sibakin si Aguirre ay nangangahulugan lamang na palapak ito.
Naniniwala rin ito na natauhan na ang pangulo sa incompetence ni Aguirre na tinagurian nitong berdugo ng mga kalaban ng administrasyon.