Terrorist Tag sa NPA, hindi pa babawiin ng pamahalaan

FILE

Terorista pa rin ang turing ng pamahalaan sa New Peoples Army.

Ito ay sa kabila ng pag-amin kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang muling makipag-usap sa rebeldeng grupo para tuluyang maselyuhan ang usaping pangkapayapaan.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, statement
o pahayag pa lamang ang ginagawa ng pangulo at hindi pa pormal na nagsisimula ang peace talks.

“Walang epekto itong sinabi ng Presidente na open siya ‘no. Of course iyong sinabi ng President na open siya na makipag-usap uli sa mga rebelde ay subject to certain preconditions ‘no, like stop ang lahat ng pag-atake nila sa mga government—and even private facilities like construction equipment, alright, and certain other conditions like itigil nila ang pangongolekta ng mga revolutionary taxes from residents of particular areas, and so forth and so on” ayon kay Guevarra.

Kaugnay nito, hindi aniya maapektuhan ang petisyon na nakahain na pagturing sa komunistang grupo na mga terorista.

“But for now, that statement by the President, which is premised on certain preconditions, will not affect in anyway the pending petition for the proscription of certain individuals as terrorists or violators of the Human Security Act” ayon kay Guevarra.

Oras aniya na umarangkada muli ang usaping pangkapayapaan, bahala na
ang gobyerno kung babawiin o iaatras ang nakabinbing petisyon sa korte na ideklarang teroristang grupo ang NPA.

Malinaw aniya na may inilatag na mga kondisyon ang pangulo sa rebeldeng grupo bago pausaring muli ang usaping pangkapayapaan.

Halimbawa na rito ang pagkakaroon ng ceasefire, pagtigil sa pagsasagawa ng extortion o pangongolekta ng revolutionary tax, panununog sa mga heavy equipment ng mga negosyante at iba pa.

Read more...